Friday, October 13, 2006

Bidyoke Time: Ang theme song ng buhay ko….

Eto ngayon ang theme song ng buhay ko. Halina't makikanta sakin!
Yun mga naka-italicized na words, di lyrics yun. Komento lang ng inyong lingkod. Hehe. Enjoy!


TUMATAKBO
by Mojofly

Verse 1

Laging bigo, laging sawi-sa pagibig

Kaawa awa. Umpisa pa lang, bigo na kaagad!

Minamalas o kay sakit; may balat nga ba ako sa pwet

Ganon ba talaga yun? Kapag malas laging may balat sa pwet? Di ba pwedeng, may balat sa siko? Sa buhok? Sa mata? Bakit kaya lagi na lang sa pwet. Ano ba history nito?

Mabuti pa ang tindera sa aming kanto
Nakakainggit TL ang sweet nila nang kanilang nobyo

Isang magandang halimbawa ng pagiging chismosa. Pati buhay ng may buhay pinapakialamanan! Pero pwede rin namang napatingin lang naman siya diba?

[Refrain]

Gusto ko lang; maranasan umibig tamaan ni kupido

Tamaan? Nakakamatay yan 'tsong! Sakit yan. Matetano ka pa. PRAMIS!

Gusto ko lang maranasan; tumibok muli ang puso ko

Hala?! Bakit? Kelan pa hindi tumibok puso mo?!! GUARD!! DALHIN NA 'TO SA MENTAL!!

[Chorus]

Tumatakbo ang oras naiiwan na ako ng panahon

Duh?! Habulin mo kaya?


Di na nagbago bawat araw pare-pareho
Parang kahapon

Isa pang DUH?! Malamang pare-pareho. Siempre, pagkatapos ng Linggo, Monday na uli.. Tapos Tuesday.. Pag Linggo na.. Monday na uli! Mahirap
yata yun iba iba... Hirap umisip..

Tumatakbo ang or---a-haa--s.

Elibs ako dito! Either tumatakbo na yun ahas.. or bumibirit na talaga dito si Lougee. Napaisip ako... bakit kaya kapag bumibirit.. Lagi na lang nagkakaroon ng letrang H! Saan kayang lupalop nanggaling yun? Silent H yata.

Verse 2

May birthday cake ka nga
Ngunit wala namang kandila

Eh ano ngayon?! Importante may cake! Kesa naman may candila pero walang cake. Nangingialam ka nanaman eh!

May christmas tree na malupet;
Wala naman dekorasyon pansabit

BOOM! Guilty! Haha! Minsan wala nga kameng design sa christmas tree namin. Tapos yun christmas tree pa namin kasingliit yata ni Mahal.
Na nakapatong lang sa table. Pwedeng ilipat. Nasa sala, balcony, kwarto, garahe.. kung gusto mo sa banyo.. pwede rin.


[Refrain]

Sadyang ganyan ang aking buhay
Walang kasing tamlay

Naku tsong... Clusivol lang yan. Pwede ring United Homes Ferrous Sulfate o di kaya'y Tiki Tiki.

Ayoko sanang tumandang- nagiisa

Naku.. sinabi mo pa..

[Repeat Chorus]

Pakibasa na lang uli yun chorus. Alangan namang ulitin ko pa..

[Bridge]

Tatangapin nalang ba ang mapait na tadhana

Wala tayong magagawa eh.. Ganyan talaga.

O kaya'y
Tatangapin nalang ba na ako'y
Sadyang hindi pinagpala

In other words, MALAS!

Tigilan na ang drama;

Pwede mo sana ipagpatuloy kung binabayaran ka sa pagdadrama mo. Yun tipong pwede kang rumampa sa entablado para kunin ang iyong Best
Actress Award.. Kaso.. di ka artista eh.. So pwede mo itigil ang pagdadrama

Punasan na ang luha

O eto, tisyu.


[Repeat Chorus 2x]

Sabing pakibasa uli eh! ANO BA!

Coda

Ay susyal! Coda ito!

Tumatakbo, tumatakbo, tumatakbo naiiwan na ako (2x)

Hala! Sige! Habulin mo! Bilis!!


Ayos ba pare? *wink* Hay. Sarap kumanta. Ganon na lang siguro gagawin ko para makalimot sa mga mapapait na nakaraan. I thank you. Bow.

22 comments:

  1. Lola XY, isa yan sa mga peborit kong kanta eh. Ayos mga komento mo ah. lol

    Sige kanta na alng ikaw. Miss you.

    ~Anne

    ReplyDelete
  2. haha.. ayos na ayos..

    ReplyDelete
  3. hehe.. natawa ako dun ah! :P

    ReplyDelete
  4. Hehe, naririnig ko nga yang kantang yan. ^_^

    Onga pala, kumusta naman ang nursing decision? I hope hindi kayo kasama ng mga kaibigan mo sa mga magre-retake. :)

    ReplyDelete
  5. Hahaha! Nakakatawa naman yan! ;P
    Ayaw ko rin tumanda ng mag-isa. Aba! Sino ba naman may gusto non di ba??
    Hay nakoh, malay mo yung susunod na magiging tru lab mo eh talagang siya na! ;)
    Hintay ka lang, meron din diyan para sayo. :D

    ReplyDelete
  6. hehe. salamat sa mga komento! kay anne, shari, avy, jasmin and marj.

    Shari: sana nga di kame kasama. nanganganib pa rin pala kame... kahit walang leakage.

    Marj: Yeah. I know naman na I'll meet him somewhere. Hihi!

    ReplyDelete
  7. aww.. that was a funny yet cute post! =)

    ReplyDelete
  8. wow bravo sis. hay alam mo ba naaadik ako ngayon sa mojofly kaya naman natuwa naman ako nung pagbisita ko dito sa blog mo e ayan. nakakatuwa ka talaga, lakas tama mo sis. okey yan smile pa din kahit na anong problema.

    ReplyDelete
  9. Naku, kaya niyo yan. Lalo na ikaw. Ikaw pa? :p

    ReplyDelete
  10. Gawd, I can relate to that song big time.

    Nakakatuwa naman yung mga commentaries mo. Thanks for the laugh. :-)

    ReplyDelete
  11. if this song was released at an earlier time, this could've been my song too. hehehe :P

    yep, Ryan is my bf :D

    ReplyDelete
  12. waha..song ko yan kay panget...kasi ganyan ung buhay non nung nagkakilala kami eh...anyway...song ko din yan...magdamayan na lng tayo...

    ReplyDelete
  13. "May birthday cake ka nga
    Ngunit wala namang kandila

    Eh ano ngayon?! Importante may cake! Kesa naman may candila pero walang cake. Nangingialam ka nanaman eh!"


    hahaha! the best ang hirit!!

    ako rin theme song ko yan. nung first time ko na narinig yan, aba! sapul na sapol ako! bwisit na kanta yan...pamukha daw ba...haay. hay hay! pero grabe, tama ka...ganito na lang ang dapat gawin para makalimot...my gulay!

    ReplyDelete
  14. ATE XY!!! Nahagilap na naman kita @ back 2 blogspot nadin ako wahahahaha! wala lang! :D ung song na yan naaalala ko sa show namin sa scene ko kinanta yan bwahahahaha! Pde ask ano ung code for archives? :D thanks! ^________^ http://dirrtyfiles.blogspot.com

    ReplyDelete
  15. aliw ang post na ito ate xy!:D

    ReplyDelete
  16. hehe. kaboinks. kulet.

    ReplyDelete
  17. hehe natawa naman ako dito, like ko ang song na yan kahit hindi ako makarelate :) ehehe

    binasa ko yung entry mo about d day :) ano na balita? ^-^

    ReplyDelete
  18. Nung isang araw pinag-uusapan namin yan ng kabarkada ko. Hehe. Song we can relate to daw namin yan. :)

    ReplyDelete
  19. aba..aba!! hehe. Kantahan time!

    ReplyDelete
  20. w0wwww.. ganda ng url mo xy. hahaha nursecissism. buti kpa graduate na. naku ako mahaba habang paglalakbay pa ang pagdadaanan. hahaha LET'S GO TAMARAWS!

    ReplyDelete
  21. Thanks everyone for liking the commentary I did. Haha. Ewan. baliw yata ako nung pinost ko yan. Yan yung "kasagsagan" ng pagiging bigo ko sa pagibig kaya napost ko. Pero okay na ako ngayon. Ahihi! Salamat.

    ReplyDelete
  22. ateh! ang kulet! :) pasaway! :) hehe..

    ReplyDelete