Tuesday, November 28, 2006

Ang Water Dispenser. Bow.

Marami nang klase ng water dispenser ang naiimbento ngayon.

Merong classic na tulad nito na pwede sa hot and cold water depende sa gusto mong inumin:



Meron din namang built-in refrigerator sa baba na tulad nito:



At siyempre, di mawawala ang mga sosyalin na water dispenser. Kung merong may pang mahirap, meron din naman yun mukhang pangmayaman na tulad nito:


Tinatawag itong soda water dispenser. Sa tingin ko ay pwede mong lagyan ito ng soda. Sosyalin!



But wait! There's more! (Nakana... parang nasa Home TV Shopping lang ha?) Maliban sa mga nabanggit na klase ng water dispenser ay meron pang iba. May mga water dispenser na kakasaksak mo lang ay bigla na lang lumalamig na tipong pag uminom ka ng tubig galing dito ay pwede nang maging ice candy ang cerebrospinal fluid mo. Mayroon din naman na 48 years mo nang sinaksak sa kuryente ay hanggang ngayon, di pa rin lumalamig. Meron din yun mga tipong isang pindot ka lang, lalabas na ang pinakaaasam asam mong tubig. At meron din namang, mamamatay ka na sa uhaw pero hanggang ngayon, di mo malaman kung paano papalabasin ang tubig sa sobrang kaartehan ng imbentor ng water dispenser na yun.

Bakit ko nga pala naging paksa ang water dispenser sa blog ko ngayon?

Nasa duty ako kagabi. 2-10 kase ang shift ko. Habang naghihintay ng mga nalalabing oras dahil wala na akong gagawin, naisipan kong umupo sa isang sulok at problemahin ang aking cellphone dahil sa pangatlong pagkakataon ay ayaw nanamang magbukas ang inbox. (Tsk. Bago pa naman tapos ganon na. Ipapaayos ko na nga!). Habang kinakalikot ko ang cellphone ko ay nakita ko ang isang lalakeng papalapit sa water dispenser na malapit sa nurse's station. At kitang kita ko ang mga pangyayari! Isang karumal dumal na krimen! Nanlaki ang aking mga mata ng nakita ko ang isang di kanais nais na ginawa niya! Nagunaw ang mundo ko!

Idinikit niya ang dulo ng bote ng mineral water na gamit niya sa nozzle nga ba yun? Basta eto:


Para sa aming magkakaibigan ay isa itong hindi mapapatawad na pagkakasala. Dahil sa kanyang ginawa ay maaring lumaganap ang mga iba ibang sakit na pwedeng maisalin sa pamamagitan ng paginom.

Paano? Isipin niyo na lang, inilalagay niya sa kanyang bibig ang dulo ng mineral water bottle na ito. May iba pang mga tao na mala-kahayupan ang umiinom sa mineral water bottle na parang nakikipaghalikan pa dito. Malamang, lahat ng laway laway niya ay napupunta sa boteng iyon. Siyempre, ang lolo mo naman uhaw pa rin ang drama kaya irerefill ito sa pinakamalapit na water dispenser na makikita niya! At Boom! Ididikit sa kung ano mang tawag sa tinuturo ng pulang arrow sa itaas. At ang kanyang kaibigang laway ay mamamalagi sa labasan ng tubig. Kadiri diba? Kawawa ang susunod na kukuha ng tubig mula sa water dispenser na ito. Dahil ang laway ng naunang kumuha dito na kung uminom sa kanyang bote ng mineral water ay mala-kahayupan ay mapupunta sa susunod na kukuha nito. Siyempre, madadaanan ng tubig at laway na iyon na maaaring punong puno ng mga kaaway nating pathogens. Tsk tsk tsk.

Nakukuha niyo ba ang aking punto? Hay. Suggestion ko lang sa may mga public water dispenser ay lagyan ng babala sa water dispenser na ito na wag idikit ang mga dulo ng mga bote na pinagiinuman nila upang maiwasan ang mga posibleng sakit na tulad ng hepatitis, cholera, TB at kung ano ano pa.

Kaya ako, nagdadala na lang ako ng isang litro ng tubig araw araw sa aking duty. Hindi nga lang siya malamig pero masasabi kong malinis naman ito at walang halong laway ng ibang tao. Kung ako sa inyo, magdadala na lang ako ng sarili kong tubig na nasa malaking lalagyan para hindi na magrefill. O di kaya'y, kung kaya ng katawan mo, magdala ka na lang ng sarili mong water dispenser kahit saan ka magpunta. Try mo yun soda water dispenser. Mukhang sosyal talaga eh!

12 comments:

  1. haha! kakatawa nman ung karumal dumal na krimen .. pero in a way kadiri talaga ung gnun, mostly talaga dugyot ang mga lalaki ump!

    ReplyDelete
  2. Kadiri nga. Mukhang ngang sosyalin yung soda water dispenser. Makabili nga nun this xmas. LOL

    Sa susunod na makakita ka ng ganun Lola XY, sugurin mo agad at untog mo ulo niya sa water dispenser. Joke lang. HAHAHAHA

    ReplyDelete
  3. huwaw!.. ang ganda nung bagong klase ng dispenser ah!.. hanep.. ui.. ang linis tingnan nung station oh.. hehe.. :D

    ReplyDelete
  4. Yuck kadirs talaga!!!!!!!

    Grabe, hindi ko ginagawa yun.

    ReplyDelete
  5. Whoa, ginawang water fountain?(Kaya ayoko dun, kadiri kasi). Buti sana kung sa bahay nila yung dispenser eh, pero hindi. Yuck yuck yuck

    ReplyDelete
  6. Eeww!

    Again...

    Eeww!

    Bloody eeww!

    You should've told him to go get some manners. *pukes*

    ReplyDelete
  7. nyek! ano ba yan. kakainis. sana nagbaso na lang siya, diba?? :|

    pano ba yun linisin! tara linisin natin! eek! :s

    ReplyDelete
  8. awts. ngayon ko lang naisip yun ah. harhar. di na ko makikiigib sa public water dispensers! haha.

    ReplyDelete
  9. grabe kadiri..

    nakakatrauma. di na ko iinom sa mga public water dispenser. buti na lang nakita mo ate at naging aware ka sa ganyang klase ng karumal dumal na krimen.

    iks..

    ReplyDelete
  10. eww. ngayon lang ako natauhan sa karumaldumal na krimen na iyon!

    ReplyDelete
  11. haha! nakakatuwa naman. buti na lang hindi ako nagrerefill sa mga dispenser. mas nanaisin ko na lamang na bumili ng tubig :P

    ReplyDelete